Aug 29, 2008

Pag-iisip

Wow. Noong nakaraang Mayo pa pala ang huli kong post dito. Sobrang tagal na rin pala. Sabi ko noon, magiging outlet ko ang mundo ng blog para sa ilang mga personal na bagay. Ngunit totoo nga, mahirap mag-maintain ng isang blog na tulad nito lalo na at sandamukal na bagay rin ang pinagkakaabalahan ko.

Sa loob ng ilang buwan na hindi ako nakapunta sa blog na ito, napakarami na rin namang nangyari sa buhay ko. Muli, lumipas ang ilang buwan na puno pa rin ako ng samu't saring katanungan sa isipan ko, mga katanungang masasagot lamang siguro kung susubukan kong lumubog sa isang uri ng pamumuhay na ni sa panaginip ay hindi ko talaga nasilayan at hinangad.

Ewan ko. Madalas ko pa rin itong sagot sa tuwing mag-iisip ako ng mga bagay-bagay. Kahit nga yata sa tanong na, "Sino na ako ngayon?", mukhang iyan pa rin ang isasagot ko. Parang hindi ko na talaga kilala ang sarili ko.

Sa ngayon, may isang tao na inaakay ako sa ganitong klase ng buhay. Kahit pa nakaranas ako ng ilang hindi kanais-nais na mga bagay sapul nang malaman ko ang pagbabagong ito, heto at paulit-ulit pa rin akong sumusubok. Kung siya man ang taong makapagbibigay-kaliwanagan sa akin, ewan ko.

Hanggang kailan ako ganito? Malamang, ewan ko.

----------

Maitatanong ninyo, bakit ganyan ang pamagat ng aking pahina? Siyempre, hindi naman ewan ang sagot ko.

Masarap maligo. Sobrang sarap. Mag-isa ka lamang sa banyo, waring solong-solo mo ang buong mundo. Parang hindi na umiinog ang panahon mo habang patuloy kang nagpapaalipin sa lamig ng tubig at sa mahalimuyak na sabon at shampoo.

Ganyan na ganyan ang pakiramdam ko habang naliligo. Tila ba tagong-tago ako sa mata ng mundong ito. Marahil, bunga na rin ito ng pagiging mahilig ko sa pag-iisa, lalo na pagdating sa ganitong mga bagay na may kinalaman sa aking pagkatao. Sa banyo, may panahon akong mag-isip ukol sa buhay ko. May panahon akong umiyak, ngumiti at gumawa ng mga bagay na lingid sa lahat ng nilalang.

Sa ngayon, masarap pa akong naliligo sa banyo. Kung kailan handa na akong lumabas sa banyong ito, ewan ko. Panahon na lamang ang makapagsasabi.

May 18, 2008

Boom

In a relationship. 'Yun ang status ko sa ngayon. Sabi ko kasi sa sarili ko, susubukan ko uling magkaroon ng isang relasyon. Baka sa pagkakataong ito, maging maayos na ang lahat. Kaya kahit hindi naging masyadong maganda ang mga nangyari doon sa nakaraan kong relasyon, heto ako at sumusubok uli.

Masaya. Makulit. Ganoon ang naging simula ng aming relasyon. Akala ko, maayos na. It's as if I've found my seventh heaven. Ngunit habang tumatagal, nakakaasar. Lalo pagdating sa sarili ko. Sobrang nakikita ko 'yung hindi ko pagiging handa sa mga ganitong uri ng pakikipagrelasyon. Grabe. May makita lang akong ibang tao na sobrang gusto ko talaga, wala na agad. Kunwari, may isang sobrang hot na babae o lalaki. Ayun na, wala na.

Gusto ko maging tapat sa kanya. After all these times, I know how it feels when you are being two-timed. Masakit. Sobra. Kaya naisip kong sabihin ko na lang sa kanya kung ano 'yung nararamdaman ko. Sobrang attracted kasi ako sa isang babae, pero parang ayoko naman siya saktan talaga. Pero 'di ba, mas mabuti na 'yung iwanan mo siya para sa iba kaysa naman may relasyon kayo pero panay ka pa rin sa pakikipaglandian sa iba?

Naiinis ako. Bakit ba kasi ganoon 'pag bisexual ka? Napakarami mong choices. Parang lahat yata ng tao dito sa mundo, choice mo na e. At sa mga tulad kong indecisive pagdating sa mga ganitong bagay, napakahirap ng ganitong setup.

Hay. Putang ina. Kaya nga ba ayoko nang maging ganito. Parang hindi ko yata talaga kaya panindigan 'yung pagiging bisexual. Hay. Kailan kaya ako sasabog?

May 14, 2008

Weird

Bad trip na tuliro na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba, parang nasisiraan na yata ako ng ulo sa kakaisip.

Sa loob ng ilang taon ko bilang isang binatilyo, pilit ko pa ring inaalis 'yung idea ng hindi ko pagiging straight. Nakakainis kasi, e. Sobrang nakakainis.

Sa loob din ng mga taong nagdaan, masasabi ko namang hindi na ako bago sa mga bagay-bagay na ginagawa ng mga taong hindi straight. Siguro naman, hindi ko na kailangan pang ipaliwanag kung ano ang mga 'yun. Haay.

I've been into previous same-sex relationships before. Pero ewan ko ba, parang hindi ko talaga makita 'yung patutunguhan ng mga ganoong uri ng relasyon sa pangmatagalan. Haay. Sinusubukan ko namang maging ayos ang lahat, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin makita ang sarili ko sa ganoong kalagayan.

Sorry sa post na ito. Puro rants lang.

May 12, 2008

Atomically Undecided

Finally, I decided to create my blog!

Matagal na rin akong nag-iisip talaga kung gagawa na ako ng isang blog. Siguro, mayroon na rin talagang pangangailangan para magkaroon ako ng isang blog.

Okay. Let me start. I'm Atom, an eighteen-year-old, undecided guy. I guess you already know on what aspect I'm undecided. There are things that normally happen to us. Or so I think. Hindi ko alam, e. But for a presumably straight guy like, there's something abnormal. Yeah, I'm currently struggling.

Basically, this blog will serve as an emotional outlet for me. Wala kasi akong mapagsabihan ng mga bagay-bagay na nangyayari sa akin. This is really, really hard. Sana may mga taong makaintindi sa akin. I know I'm not alone. Maybe I just need some people who experienced or is currently experiencing the same thing.